Surprise Me!

Unang Balita sa Unang Hirit: SEPTEMBER 5, 2025 [HD]

2025-09-05 32 Dailymotion

Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 5, 2025

- Malakas na ulan, naranasan sa ilang lugar sa NCR dahil sa habagat; pasok sa mga eskuwelahan sa Caloocan, suspendido

- Ilang tsuper, nangangambang bumaba ang kita dahil sa pabugso-bugsong ulan ngayong araw | Ilang commuter, nahirapang pumasok sa trabaho dahil sa malakas na ulan

- 154 infrastructure projects sa Cebu province, sinuspinde muna para suriin kung sumunod sa tamang proseso

- Compound ng mga Discaya, sinugod ng mga militanteng grupo at mga biktima ng baha; Pamilya Discaya, irereklamo ang mga raliyista | 28 luxury vehicles ng Pamilya Discaya, nasa kustodiya na ng Bureau of Customs | Pamilya Discaya, iaapela ang pagkansela ng PCAB sa lisensya ng kanilang mga kompanya | DTI: Posibleng madagdagan ang mga kompanyang tatanggalan ng lisensiya | Iloilo City LGU, Planong ipatigil ang mga proyekto sa kanilang lungsod na hawak ng mga kompanya ng mga Discaya | Mayor Moreno: Ilang kompanya ng mga Discaya, kasama sa mga hindi pa nakapagbayad ng tamang buwis para sa flood control projects sa Maynila

- 43 taga-DPWH at contractors na idinadawit sa maanomalyang flood control projects, nasa immigration lookout bulletin | Composite team para sa pagkalap ng ebidensiya at case buildup, binubuo ng DOJ

- DPWH Sec. Dizon: P96.5M flood control project sa Brgy. Sipat, Plaridel na 2024 pa idineklarang kompleto, 3 linggo pa lang ginagawa | DPWH Sec. Dizon sa umano'y ghost flood control project sa Brgy. Sipat, Plaridel: Patay na, pinipilit pang buhayin | Ex-Bulacan 1st Dist. Engr. Henry Alcantara, sibak na sa puwesto; 2 pa niyang katrabaho sa DPWH, ipinasisibak din | Wawao Builders na kasama sa top 15 flood control project contractors, habambuhay nang blacklisted sa gobyerno | Syms Construction na contractor ng ghost project sa Brgy. Piel, Baliwag, blacklisted na rin | House Infracomm Chairman Rep. Ridon: P96.5M flood control project sa Plaridel, isiningit sa bicam meeting sa 2024 budget | 6 na DPWH undersecretaries, naghain ng courtesy resignation; iba pang opisyal ng DPWH, pinagsusumite rin ng courtesy resignation | Mga nadoble o nakompleto nang DPWH projects, ipatatanggal ni Sec. Dizon sa panukalang 2026 budget

- Mga deboto ng Nazareno, maagang pumunta sa Quiapo Church para sa First Friday Mass kahit maulan | Kaligtasan ng pamilya at pagresolba sa missing sabungeros case, kasama sa mga panalangin ng isang deboto sa Quiapo | Isang deboto, natutulog daw sa loob ng Quiapo Church tuwing Huwebes para maagang makapagsimba tuwing Biyernes | Misa sa Quiapo Church, idinaraos din online

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Buy Now on CodeCanyon